Google Website Translator Gadget

Thursday, December 22, 2011

SIMPLENG NOCHE BUENA NG PINOY

 Ilang tulog na lang at Pasko na! 

Marami na naman sa mga kababayan natin ang namomroblema sa kanilang pang noche buena, sapagkat nagtaasan na naman ang mga presyo ng produktong pang noche buena kagaya na lang ng pang-Spaghetti, pang-fruit salad (condensed milk and all purpose cream), gayundin ang mga prutas at gulay..whew! 
Pero para sa mga nag-iisip nang ihahanda nila para sa nalalapit na noche buena at Pasko, kahit simpleng handaan lang ay solve na.  Ito ay kagaya na lang ng pansit o spaghetti, barbecue, tasty bread, fried chicken at drinks....minsan may malagkit katulad ng biko, suman, sapin sapin... whew! kahit napakasimple ng handang ito. Iba pa din ang magkakasama ang pamilya sa hapagkainan...

Dahil para sa akin di nasusukat sa lecchon, ham, morcon o seafoods ang saya ng Pasko. Di rin nasusukat sa dami ng aginaldong matatanggap mo... Para sa akin ang Pasko ay nagmumula sa puso..nagmumula sa sama-samang tawanan..sama-samang pamilya... oo andun na tayo... kailangan yun sa buhay pero... kung wala tayong pera..wag isiping di na magkakapagdiwang ng Pasko... ang Pasko ay pag alala kay Hesus na isinilang sa sabsaban... 

Kahit simple lang... basta masaya... yan ang Noche Buena ng Pinoy na wala sa ibang bansa... 

Merry Christmas!

Tuesday, November 15, 2011

SA PAGKAPANALO NI PAQUIAO, MARAMI ANG DI KUMBINSIDO!

         Usap usapan pa rin sa maraming kapihan sa kanto, sa barberyahan, sa parlor, sa sabungan at maging sa umpukan ng mga tambay... na marami pa rin sa kanila ang di kumbinsido sa naging resulta at sa pagkapanalo ni Pambansang kamao Manny Paquiao... dahil sa performance at suntok na ipinakita ni Pacman.. diskumpiyado sila na siya pa rin ang nagwagi...

Nakapanood ako ng laban na ito, at para sa aking pananaw... medyo di nga ganun kaaksyon ang laban.. kumbaga.. bitin na bitin ako... Magaling si Juan Manuel Marquez, ganun di siyempre si Pacman... nagkatagalan sa ring... at sila ay parehong matatag... pero ang panalong iyon ay nakadepende pa rin sa mga hurado ng mga oras na iyon.. di natin mababago ang kanilang mga paningin... 

Gayunpaman, isa lang ang ibig sabihin niyan... PINOY PA RIN ANG WAGI... :)

Sunday, November 13, 2011

PINOY PRIDE: MANNY PAQUIAO

Gulpeee ka!!!
We are very proud of you  
MANNY "PACMAN" PAQUIAO!

Ang bansang ito ay muling nagbubunyi mula sa pagkapanalo ni Manny Paquiao kontra sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez....para sa titulong WBO welterweight na ginanap sa MGM Gym Las Vegas, USA... sa labing-dalawang round via Majority decision.

Ipinakita niya muli na ang boksingerong PINOY ay di nagpapagapi sa kahit kaninong kalaban...  di umaayaw kahit na nasasaktan... at di sumusuko kahit sa kahabaan ng round...

Again from the JUANOTHERPH.com...
Proud na proud kami sayo MANNY!