Google Website Translator Gadget

Thursday, December 22, 2011

SIMPLENG NOCHE BUENA NG PINOY

 Ilang tulog na lang at Pasko na! 

Marami na naman sa mga kababayan natin ang namomroblema sa kanilang pang noche buena, sapagkat nagtaasan na naman ang mga presyo ng produktong pang noche buena kagaya na lang ng pang-Spaghetti, pang-fruit salad (condensed milk and all purpose cream), gayundin ang mga prutas at gulay..whew! 
Pero para sa mga nag-iisip nang ihahanda nila para sa nalalapit na noche buena at Pasko, kahit simpleng handaan lang ay solve na.  Ito ay kagaya na lang ng pansit o spaghetti, barbecue, tasty bread, fried chicken at drinks....minsan may malagkit katulad ng biko, suman, sapin sapin... whew! kahit napakasimple ng handang ito. Iba pa din ang magkakasama ang pamilya sa hapagkainan...

Dahil para sa akin di nasusukat sa lecchon, ham, morcon o seafoods ang saya ng Pasko. Di rin nasusukat sa dami ng aginaldong matatanggap mo... Para sa akin ang Pasko ay nagmumula sa puso..nagmumula sa sama-samang tawanan..sama-samang pamilya... oo andun na tayo... kailangan yun sa buhay pero... kung wala tayong pera..wag isiping di na magkakapagdiwang ng Pasko... ang Pasko ay pag alala kay Hesus na isinilang sa sabsaban... 

Kahit simple lang... basta masaya... yan ang Noche Buena ng Pinoy na wala sa ibang bansa... 

Merry Christmas!

No comments:

Post a Comment